Sunday, May 11, 2014

#PBBALLIN First Nomination Night

May 10, 2014: Inanunsiyo na nga ni Kuya sa publiko ang mga housemates na kauna-unahang nominado para sa season na ito ng Pinoy Big Brother. Hindi naging madali para sa housemates ang naganap na nominasyon ngunit bakit kaya tumugma ang kanilang mga boto sa botohan na naganap sa labas ng bahay? Sadya kayang ang mga nominado ang nararapat nang lumabas sa Bahay ni Kuya?



Mayroong mga hindi sang-ayon sa resulta ng nominasyon. Ang magandang balita ay mayroon pa namang isang linggo ang mga nominado na sina Chevin, Maris at Loisa para patunayan ang kanilang mga sarili. May pagkakataon pa rin ang kanilang mga taga-suporta para iboto sila na maligtas sa pagkaka-evict. Narito kung paano:


I-text lamang ang BB Chevin, BB Maris o BB Loisa at isend sa 2331 para sa Globe, TM, Sun at ABSCBN Mobile subscribers at sa 231 naman para sa mga Smart at Talk N text subscribers. Bawat sim card ay maari lamang bumoto ng tatlumpong beses kada araw.

Sino nga kaya ang kauna-unahang lalabas sa Bahay ni Kuya? Abangan...

No comments:

Post a Comment