Wednesday, April 30, 2014

Task ni Fourth at Fifth | Sino nga ba ang magkapatid sa mga housemates?

Hindi lamang pala ang kambal na sina Fourth at Fifth ang magkapatid na pumasok sa Bahay ni Kuya noong Linggo. Kagabi nga ay kinausap ni Kuya ang kambal at binigyan sila ng task na hanapin at alamin kung sino pa sa mga housemates ang magkapatid. Hindi ito magiging madali ngunit sa pamamagitan ng task na ito ay lalong magkakakilala at unti-unting malalaman ng mga manonood ang ilang bahagi sa buhay ng mga housemates.

Kanya-kanyang opinyon na ang makikita sa social media; bawat isa ay may hula kung sino nga ba ang magkapatid ngunit ang pinakasikat ay ang haka-hakang ito ay sina Maris at Chevin. May pagkakahawig nga ang dalawa ngunit sapat na nga ba itong dahilan?

Image courtesy of @PBBabscbn

Sabay-sabay nating alamin ang katotohanan! Tumutok lang sa PBB ALL IN mamayang 10:15pm!

No comments:

Post a Comment