Saturday, May 24, 2014

Maging Online Housemate ni Kuya! Paano?

Nabigo ka bang makapasok sa PBB House? Wag ka na malungkot dahil bibigyan ka pa ni Kuya ng pagkakataon na maging isang housemate. Sumali ka sa Online Bahay ni Kuya at magkaroon ng pagkakataong manalo ng P100,00!!!


Paano sumali sa Online Bahay? Madali lamang. Pumunta sa link na ito: https://apps.facebook.com/bahaynikuya/home/ at magregister. Punan lamang ang lahat ng kailangang impormasyon sa registration form.


 Pagkatapos magregister ay makikita mo na ang kumpirmasyon na isa ka nang Online Housemate!


Magbasa ng house rules, magpunta sa confession room, alamin ang updates atbp. Ilan lamang ito sa mga maari mong gawin bilang housemate.



Para sa kumpletong impormasyon, basahin ang Mechanics na makikita dito: https://apps.facebook.com/bahaynikuya/mechanics/

Kung mayroong katanungan, magkomento lamang sa ibaba.

Read more ...

Saturday, May 17, 2014

#PBB1stEviction: Sino ang Housemate na Unang Lumabas sa Bahay ni Kuya?

Isang linggo matapos ang kauna-unahang nominasyon ay inanunsyo na ni Kuya kung sino ang lalabas sa kanyang bahay. Sa nakaraang mga araw, ginawa ng mga nominado ang kanilang makakaya upang patunayan na sila'y karapa't-dapat pang manatili sa loob ng bahay ngunit isa sa kanila ay hindi na napagbigyan pang muli na makasama ang mga housemates. Ito nga ay walang iba kundi si Chevin. Narito ang post ng @PBBabscbn:


Narito ang opisyal na resulta sa naganap na botohan: 

  • Chevin - 30.24% 
  • Maris - 30.38% 
  • Loisa - 39.37% 

Naging malungkot ang mga housemates dahil dito at lalo pa silang nalungkot at nagulat nang magkaroon ng announcement si Kuya tungkol sa mga violations na nagawa nila noong mga nakaraang araw. Isang matinding desisyon ang ginawa niya nang patawan nya ng automatic nomination sina Alex, Axel at Manolo dahil sa paglabag sa tuntunin sa kanyang bahay.

Maliban sa mga automatically nominated, isang nakakagulantang na balita pa ang sinabi ni Kuya. Ito nga ay ang pagpapataw nya ng force eviction kay Cess dahil sa mga sumusunod na violations:



Hindi makapaniwala si Cess sa mga nangyari at hindi sya makapagsalita kahit nang makalabas na sya sa Bahay ni Kuya. Mayroong mga netizens ang ikinatuwa ang nangyaring ito ngunit sa kabila ng lahat ay sinuportahan pa rin si Cess ng kanyang ina at pinayuhan siyang maayos lamang ang lahat at hindi pa iyon ang katapusan para sa kanya.

Sa inyong palagay, tama ba ang naging desisyon ni Kuya? Iwan ang inyong komento sa ibaba!

Read more ...

Sunday, May 11, 2014

#PBBALLIN First Nomination Night

May 10, 2014: Inanunsiyo na nga ni Kuya sa publiko ang mga housemates na kauna-unahang nominado para sa season na ito ng Pinoy Big Brother. Hindi naging madali para sa housemates ang naganap na nominasyon ngunit bakit kaya tumugma ang kanilang mga boto sa botohan na naganap sa labas ng bahay? Sadya kayang ang mga nominado ang nararapat nang lumabas sa Bahay ni Kuya?



Mayroong mga hindi sang-ayon sa resulta ng nominasyon. Ang magandang balita ay mayroon pa namang isang linggo ang mga nominado na sina Chevin, Maris at Loisa para patunayan ang kanilang mga sarili. May pagkakataon pa rin ang kanilang mga taga-suporta para iboto sila na maligtas sa pagkaka-evict. Narito kung paano:


I-text lamang ang BB Chevin, BB Maris o BB Loisa at isend sa 2331 para sa Globe, TM, Sun at ABSCBN Mobile subscribers at sa 231 naman para sa mga Smart at Talk N text subscribers. Bawat sim card ay maari lamang bumoto ng tatlumpong beses kada araw.

Sino nga kaya ang kauna-unahang lalabas sa Bahay ni Kuya? Abangan...

Read more ...

Thursday, May 1, 2014

Scandalous Photo ni Nichole Baranda Kumalat sa Social Media

Isang araw matapos ipakilala ang mga housemates sa Bahay ni Kuya ay kumalat ang isang scandalous photo ni Nichole Baranda. Si Nichole ay ang anak ni Phoemela Baranda na matagal itinago sa mata ng publiko kaya sya ay nabansagang "Sweet Revelation ng Makati" nang mapasok sa PBB House. 

Narito ang nasabing litrato kung saan makikitang may kahalikan ang dalagita at ang isa naman ay naka-dirty finger sya.


Iba-iba ang naging reaksyon ng taong bayan sa litrato na ito; mayroong nadismaya, mayroong di naniwala at mayroon din namang nagsasabing wag syang husgahan base lamang sa litratong ito.

Wala pang opisyal na statement na ipinahayag ang kanyang ina ukol sa isyung ito. Sa tingin nyo, totoo ba ito o pawang edited at gawa-gawa lamang para siraan sya?

Read more ...