Saturday, May 17, 2014

#PBB1stEviction: Sino ang Housemate na Unang Lumabas sa Bahay ni Kuya?

Isang linggo matapos ang kauna-unahang nominasyon ay inanunsyo na ni Kuya kung sino ang lalabas sa kanyang bahay. Sa nakaraang mga araw, ginawa ng mga nominado ang kanilang makakaya upang patunayan na sila'y karapa't-dapat pang manatili sa loob ng bahay ngunit isa sa kanila ay hindi na napagbigyan pang muli na makasama ang mga housemates. Ito nga ay walang iba kundi si Chevin. Narito ang post ng @PBBabscbn:


Narito ang opisyal na resulta sa naganap na botohan: 

  • Chevin - 30.24% 
  • Maris - 30.38% 
  • Loisa - 39.37% 

Naging malungkot ang mga housemates dahil dito at lalo pa silang nalungkot at nagulat nang magkaroon ng announcement si Kuya tungkol sa mga violations na nagawa nila noong mga nakaraang araw. Isang matinding desisyon ang ginawa niya nang patawan nya ng automatic nomination sina Alex, Axel at Manolo dahil sa paglabag sa tuntunin sa kanyang bahay.

Maliban sa mga automatically nominated, isang nakakagulantang na balita pa ang sinabi ni Kuya. Ito nga ay ang pagpapataw nya ng force eviction kay Cess dahil sa mga sumusunod na violations:



Hindi makapaniwala si Cess sa mga nangyari at hindi sya makapagsalita kahit nang makalabas na sya sa Bahay ni Kuya. Mayroong mga netizens ang ikinatuwa ang nangyaring ito ngunit sa kabila ng lahat ay sinuportahan pa rin si Cess ng kanyang ina at pinayuhan siyang maayos lamang ang lahat at hindi pa iyon ang katapusan para sa kanya.

Sa inyong palagay, tama ba ang naging desisyon ni Kuya? Iwan ang inyong komento sa ibaba!

1 comment:

  1. para po sa akin dapat automatic nomination nlng din kasi po unfair nmn c kuya kasi ung tatlo my kasalanan automatic nomination lng ang parusa nia pero c cess e alis agad..opinion lng po tnx

    ReplyDelete