Saturday, August 23, 2014

#PBBALLIN Big Four Revealed!

Ngayong gabi ay lumabas na nga ng Bahay ni Kuya ang huling evictee na si Loisa. Kasabay nito ay ang pag-anunsyo ng Big Four sa kasalukuyang season ng pinakasikat na bahay sa Pilipinas.
Naging kabado man ang lahat habang sinasabi ng host na si Toni G. kung sinu-sino ang makakapasok sa Big Four ay naging masaya naman sa huli ang mga tagasuporta ng mapalad na apat na housemates:




Sino kaya ang magiging Big Winner sa PBB All In? Abangan ang kasagutan bukas, August 24, 2014 pagkatapos ng Rated K! Kitakits!

Read more ...

Sunday, July 13, 2014

PBB All In 8th Eviction | Sino ang Nailigtas?

Lima sa mga housemates ang kinabahan sa nakaraang linggo dahil sila ay nominated para ma-evict sa PBB House. Sila ay sina: Manolo, Daniel, Cheridel, Jane at Loisa. Ngunit kagabi nga ay nakahinga na ng maluwag ang dalawa sa kanila sapagkat nailigtas na sila ng taong-bayan. Narito ang opisyal na resulta:

Jane: 49.44% votes and Loisa: 31.59% votes

Mamayang gabi, July 13, 2014 ay sasalubungin na ang  latest evictee mula sa Big Brother House! Sino kaya ang lalabas? Manood ng live eviction pagkatapos ng Rated-K! :)

Read more ...

Saturday, June 7, 2014

#PBB4thEviction Results

Kagabi nga ay nalaman na ng taong bayan kung sino ang latest evictee mula sa Big Brother House. Para sa mga hindi nakapanood ng episode kagabi, narito ang naging resulta sa botohan:




Photo Courtesy of @PBBabscbn.

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong buhay, Aina! Abangan ang susunod na nominasyon mamaya pagkatapos ng Rated K!

Read more ...

Saturday, May 24, 2014

Maging Online Housemate ni Kuya! Paano?

Nabigo ka bang makapasok sa PBB House? Wag ka na malungkot dahil bibigyan ka pa ni Kuya ng pagkakataon na maging isang housemate. Sumali ka sa Online Bahay ni Kuya at magkaroon ng pagkakataong manalo ng P100,00!!!


Paano sumali sa Online Bahay? Madali lamang. Pumunta sa link na ito: https://apps.facebook.com/bahaynikuya/home/ at magregister. Punan lamang ang lahat ng kailangang impormasyon sa registration form.


 Pagkatapos magregister ay makikita mo na ang kumpirmasyon na isa ka nang Online Housemate!


Magbasa ng house rules, magpunta sa confession room, alamin ang updates atbp. Ilan lamang ito sa mga maari mong gawin bilang housemate.



Para sa kumpletong impormasyon, basahin ang Mechanics na makikita dito: https://apps.facebook.com/bahaynikuya/mechanics/

Kung mayroong katanungan, magkomento lamang sa ibaba.

Read more ...

Saturday, May 17, 2014

#PBB1stEviction: Sino ang Housemate na Unang Lumabas sa Bahay ni Kuya?

Isang linggo matapos ang kauna-unahang nominasyon ay inanunsyo na ni Kuya kung sino ang lalabas sa kanyang bahay. Sa nakaraang mga araw, ginawa ng mga nominado ang kanilang makakaya upang patunayan na sila'y karapa't-dapat pang manatili sa loob ng bahay ngunit isa sa kanila ay hindi na napagbigyan pang muli na makasama ang mga housemates. Ito nga ay walang iba kundi si Chevin. Narito ang post ng @PBBabscbn:


Narito ang opisyal na resulta sa naganap na botohan: 

  • Chevin - 30.24% 
  • Maris - 30.38% 
  • Loisa - 39.37% 

Naging malungkot ang mga housemates dahil dito at lalo pa silang nalungkot at nagulat nang magkaroon ng announcement si Kuya tungkol sa mga violations na nagawa nila noong mga nakaraang araw. Isang matinding desisyon ang ginawa niya nang patawan nya ng automatic nomination sina Alex, Axel at Manolo dahil sa paglabag sa tuntunin sa kanyang bahay.

Maliban sa mga automatically nominated, isang nakakagulantang na balita pa ang sinabi ni Kuya. Ito nga ay ang pagpapataw nya ng force eviction kay Cess dahil sa mga sumusunod na violations:



Hindi makapaniwala si Cess sa mga nangyari at hindi sya makapagsalita kahit nang makalabas na sya sa Bahay ni Kuya. Mayroong mga netizens ang ikinatuwa ang nangyaring ito ngunit sa kabila ng lahat ay sinuportahan pa rin si Cess ng kanyang ina at pinayuhan siyang maayos lamang ang lahat at hindi pa iyon ang katapusan para sa kanya.

Sa inyong palagay, tama ba ang naging desisyon ni Kuya? Iwan ang inyong komento sa ibaba!

Read more ...

Sunday, May 11, 2014

#PBBALLIN First Nomination Night

May 10, 2014: Inanunsiyo na nga ni Kuya sa publiko ang mga housemates na kauna-unahang nominado para sa season na ito ng Pinoy Big Brother. Hindi naging madali para sa housemates ang naganap na nominasyon ngunit bakit kaya tumugma ang kanilang mga boto sa botohan na naganap sa labas ng bahay? Sadya kayang ang mga nominado ang nararapat nang lumabas sa Bahay ni Kuya?



Mayroong mga hindi sang-ayon sa resulta ng nominasyon. Ang magandang balita ay mayroon pa namang isang linggo ang mga nominado na sina Chevin, Maris at Loisa para patunayan ang kanilang mga sarili. May pagkakataon pa rin ang kanilang mga taga-suporta para iboto sila na maligtas sa pagkaka-evict. Narito kung paano:


I-text lamang ang BB Chevin, BB Maris o BB Loisa at isend sa 2331 para sa Globe, TM, Sun at ABSCBN Mobile subscribers at sa 231 naman para sa mga Smart at Talk N text subscribers. Bawat sim card ay maari lamang bumoto ng tatlumpong beses kada araw.

Sino nga kaya ang kauna-unahang lalabas sa Bahay ni Kuya? Abangan...

Read more ...

Thursday, May 1, 2014

Scandalous Photo ni Nichole Baranda Kumalat sa Social Media

Isang araw matapos ipakilala ang mga housemates sa Bahay ni Kuya ay kumalat ang isang scandalous photo ni Nichole Baranda. Si Nichole ay ang anak ni Phoemela Baranda na matagal itinago sa mata ng publiko kaya sya ay nabansagang "Sweet Revelation ng Makati" nang mapasok sa PBB House. 

Narito ang nasabing litrato kung saan makikitang may kahalikan ang dalagita at ang isa naman ay naka-dirty finger sya.


Iba-iba ang naging reaksyon ng taong bayan sa litrato na ito; mayroong nadismaya, mayroong di naniwala at mayroon din namang nagsasabing wag syang husgahan base lamang sa litratong ito.

Wala pang opisyal na statement na ipinahayag ang kanyang ina ukol sa isyung ito. Sa tingin nyo, totoo ba ito o pawang edited at gawa-gawa lamang para siraan sya?

Read more ...

Wednesday, April 30, 2014

Task ni Fourth at Fifth | Sino nga ba ang magkapatid sa mga housemates?

Hindi lamang pala ang kambal na sina Fourth at Fifth ang magkapatid na pumasok sa Bahay ni Kuya noong Linggo. Kagabi nga ay kinausap ni Kuya ang kambal at binigyan sila ng task na hanapin at alamin kung sino pa sa mga housemates ang magkapatid. Hindi ito magiging madali ngunit sa pamamagitan ng task na ito ay lalong magkakakilala at unti-unting malalaman ng mga manonood ang ilang bahagi sa buhay ng mga housemates.

Kanya-kanyang opinyon na ang makikita sa social media; bawat isa ay may hula kung sino nga ba ang magkapatid ngunit ang pinakasikat ay ang haka-hakang ito ay sina Maris at Chevin. May pagkakahawig nga ang dalawa ngunit sapat na nga ba itong dahilan?

Image courtesy of @PBBabscbn

Sabay-sabay nating alamin ang katotohanan! Tumutok lang sa PBB ALL IN mamayang 10:15pm!

Read more ...

Tuesday, April 29, 2014

Kilalanin ang mga Opisyal na Housemates sa #PBBALLIN

Noong nakaraang Linggo (April 27, 2014) ay nasaksihan na ng madlang Pilipinas ang mga mapalad na napili upang makapasok at patunayan ang sarili sa loob ng Bahay ni Kuya. Nagsimula ang pagpapakilala sakanila sa palabas na ASAP.


Ang edisyon na ito ng PBB ay tinawag na PBB ALL IN kung saan magkakahalo na ang mga karaniwang kabataaan, adults at ang mga artista. Bagamat may mga tumutuligsa sa desisyon na ito ng ABS-CBN ay marami parin ang nagpakita ng suporta at nasiyahan sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya. Narito ang mga napiling housemates ni Kuya na mananatili sa loob ng 100 days:

Fourth Solomon

Jayme Jalandoni

Jane Oineza

Loisa Andalio

Jacob Benedicto

Aina Solano

Maris Racal

Michelle Gumabao

Alex Gonzaga

Fifth Solomon

Cess Visitacion

Manolo Pedrosa

Randy Fortento

Nichole Baranda

Vicky Rushton

Kevin Cecilio

Joshua Garcia

Axel Torres

Ating subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Big Brother House! Ang PBB ALL In ay mapapanood araw-araw pagkatapos ng A&A (9:50pm) mula Lunes hanggang Biyernes, 9:15pm tuwing Sabado at 8:45pm kapag Linggo. Manood din ng mga updates sa uberALLIN pagkatapos ng Moon of Desire.

***Images courtesy of @PBBabscbn twitter.
Read more ...